Ako'y naglalakad sa baybaying dagat
Minamasid ay mga along nagkalat
Tila'y nagagalit tulad ng aking sinapit
Damdaming habag, mistulang naiipit.
Bawat yapak ko'y nag-iwan ng bakas
Bakas na animo'y tuluyang nagsilayas
Katulad ng paghihirap at kawalan ng pag-asa.
Na parang niyapos ng yaong tanikala.
Ang aking sinusuklam, lalong namayani
Ang aking minimithi, lalong napapawi
Ako'y naibayo sa mapait na tadhana
Ang yaong pagsubok, 'di ko maalintana.
Mabuti pa ang bulag, walang kamalayan
Ni'ndi n'ya kita, mga gawing kasamaan
Ni'ndi n'ya kita, mga gawing kasakiman
Ni'ndi n'ya kita, mga gawing kamalasan.
S'ya ri'y nakatikim sa tigib ng kapaitan
Ngunit s'ya'y may malakas at matatag na kalooban
Hindi gaya kung sumusuko sa laban
Kaya'ng kaliwanagan 'di ko nadadatnan.
Ako'y pagmasdan mo
Kumpleto ang lahat na tinataglay ko
Ngunit wari'y nagbulag-bulagan
Upang makatakas sa anino ng kahirapan.
Bakas na animo'y tuluyang nagsilayas
Katulad ng paghihirap at kawalan ng pag-asa.
Na parang niyapos ng yaong tanikala.
Ang aking sinusuklam, lalong namayani
Ang aking minimithi, lalong napapawi
Ako'y naibayo sa mapait na tadhana
Ang yaong pagsubok, 'di ko maalintana.
Mabuti pa ang bulag, walang kamalayan
Ni'ndi n'ya kita, mga gawing kasamaan
Ni'ndi n'ya kita, mga gawing kasakiman
Ni'ndi n'ya kita, mga gawing kamalasan.
S'ya ri'y nakatikim sa tigib ng kapaitan
Ngunit s'ya'y may malakas at matatag na kalooban
Hindi gaya kung sumusuko sa laban
Kaya'ng kaliwanagan 'di ko nadadatnan.
Ako'y pagmasdan mo
Kumpleto ang lahat na tinataglay ko
Ngunit wari'y nagbulag-bulagan
Upang makatakas sa anino ng kahirapan.
Created: September 23rd, 2011 at 11:54pm
Modified: September 25th, 2013 at 5:25pm
Post A Comment:
0 comments so far,add yours
Thank you so much for dropping by. Please let me know your thoughts about this entry.